Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 timbog sa 1.2M marijuana

0 147

Mahigit P1.2 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nakumpiska ng pulisya mula sa tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa Peñaranda, Nueva Ecija noong Martes.

Sa ulat ni P/Capt. Ricardo Salomon, arestado sa buy-bust operation sina sina Eddiebpy Pabla, 21-anyos; Aila Marie Cab, 22, at Jeric John Pabia, 21, ng Brgy. San Josef, Peñaranda.

Nakumpiska sa kanila ang halos 10 kilo o 11 bloke ng nakaplastic na tuyong dahon ng marijuana, dalawang balot na naka-ziplock, anim na sachet, isang timbangan at sasak­yang motor ng mga suspek.

Mga kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng Rep. A t 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa laban sa mga suspek. (Jojo de Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.