Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 tiklo sa P4.6M marijuana

0 221

Arestado ang tatlo katao habang umabot naman sa P4.6 milyon ang halaga ng marijuana na nakumpiska sa kanila matapos ang isinagawang buy-bust operation ng pulisya noong Linggo sa Tarlac City, Tarlac.

Hindi na nakapalag nang posasan ng awtoridad ang mga suspek na sina Cornelio Chumil-Ang, 33; Jomar Pallar, 24; at Marcelino Caraowa, 40, pawang residente ng Mountain Province.

Sa ulat ng pulisya, alas-1:30 ng madaling-araw nang mahuli ang mga suspek matapos ang buy-bust operation ng mga tauhan ng Tarlac Police Provincial Office at Tarlac City police sa Barangay San Nicolas ng nasabing lungsod.

Nakuha sa mga suspek ang 24 brick at 26 rolyo ng pinatuyong dahon ng marijuana, at dalawang bote ng canabis oil na aabot sa kabuuang halagang P4.6 milyon bukod pa ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Nabatid na ang mga suspek ay kasamahan ng ilang big-time tulak ng marijuana na nasakote nitong Pebrero sa parehong lalawigan. Ang grupo ang nagsu-supply umano ng marijuana sa mga lalawigan ng Pangasinan, Tarlac, Pampanga at Mountain Province.

Sa ngayon ay himas-rehas na ang mga suspek at nakakulong sa Tarlac City PNP detention cell habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.