Una sa Balita

3 tigok sa bumagsak na signboard sa Shanghai

0 87

TATLONG katao ang namatay, habang anim naman ang sugatan sa Shanghai matapos bumagsak ang isang malaking billboard sa mataong bangketa habang bumubuhos ang malakas na ulan dulot ng bagyong Yagi.

Nangyari ito noong Linggo nang gabi sa Nanjing East Road, ilang daang metro lang ang layo mula sa makasaysayang Bund Riverfront District sa Shanghai.

Sa security camera footage na ipinalabas sa state-run China Central Television, makikita na biglang bumigay ang mabigat na signboard ng isang shop at tinamaan ang grupo ng pedestrian.

Tatlo ang agad na namatay, kabilang na dito ang limang taong gulang na bata.

Matatandaan na sa paglabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ng bagyong Yagi, hinatak nito ang habagat na siyang nagdulot ng maghapong pag-ulan noong Sabado na ikinalubog ng malaking bahagi ng Metro Manila at karatig-lalawigan.