Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 telco, radio-TV inaprub prangkisa

0 105

Nakuha ng tatlong telephone company at isang brodcasting station ang 25 taong prangkisang ibinigay ng Kongreso para makapag-operate sa bansa matapos maging batas ang mga ito nitong May 29 at June 27, 2022.

Bagama’t bigong napirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ito ay awtomatikong valid matapos mapaso sa itinakdang panahon para maging ganap na batas.

Kabilang sa mga nabigyan ng panibagong tig-25 taong prangkisa ay ang Panay Telephone Company sa pamamagitan ng Republic Act 11773 na nagpapahintulot sa kompanya para magtayo, mag-install, magmantina at mag-operate ng local echange network sa mga lalawigan ng Aklan, Antique at bayan ng Janiuay sa Iloilo.

Nakapag-renew din ng 25 taong prangkisa ang Calapan Telephone System Inc., sa pamamagitan ng Republic Act 11774 para makapag-operate sa mga lalawigan sa Oriental Mindoro.

Ang ikaapat na nakakuha at nakapag-renew ng prangkisa para sa 25 taong operasyon ay ang Victorias Telephone System Inc. sa pamamagitan ng Republic Act 11801. (Aileen taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.