Una sa Balita

3-taong nagutom sa Saudi (Last Part)

By
0 0

Sinubukan niyang hu­mingi ng tulong sa ma­nagement ng MMG upang madala siya sa pagamutan para maipa-chek up ang kanyang karamdaman subalit wala rin tulong na naibigay sa kanya ang kumpanya.

Hanggang sa nagtiis na lamang si Mang Arturo sa barracks ng halos tatlong taon kasama ang mahigit sa 500 manggagawa ng MMG.

Isang araw ay mayroon isang nagmagandang loob na pumasyal sa kanilang barracks na tumulong sa kanila upang ipaabot ang kanilang problema at hu­mingi ng tulong hinggil sa kanilang kalagayan.

Nakiusap dito si Mang Arturo na tawagan o sulatan ang kanyang pamilya na humingi ng tulong dito sa Pilipinas na tulungan silang makauwi sa bansa.

Sumulat ang asawa ni Mang Arturo na si Rizalina Layson kina Senator Cynthia Villar at Susan Ople, presidente ng Blas Ople Policy Center upang humingi ng tulong hinggil sa kalagayan ng kanyang asawang may sakit sa puso.

Dito na gumagawa ng hakbang ang tanggapan ni Villar at Ople sa pamamagitan ng pakiki­pag-ugnayan sa Philippine Overseas Labor Office – Overseas Workers Welfare Administration (POLO-OWWA) upang i-proseso ang kanilang dokumento.

Sa pamamagitan ni Sitti Jacifar ng POLO ay natulungan si Mang Arturo at ang apat pa niyang kasamahan na nakauwi sa bansa noong Marso 3 nang taong kasalukuyan.

Sa ngayon ay umaasam pa rin si Mang Arturo na mababayaran pa siya sa mga hindi pa niya nakuhang suweldo na nasa halos dalawang taong sahod na umaabot sa P6 milyon.

Sinabi pa ni Mang Arturo na pinag-aaralan din nila na sampahan ng kaukulang kaso ang management ng MMG sa oras na hindi ibinigay ang kanilang sahod sa ilang taong kanilang pinagtrabahuhan.