Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 taon nagtago, 71-anyos timbog sa rape

0 81

MATAPOS ang tatlong taon na pagtatago sa batas, nahuli nitong Biyernes ang 71-anyos na lolo dahil sa kasong panggagahasa sa San Antonio, Zambales.

Kinilala ng San Antonio Municipal Police Station (SAMPS) ang suspek na si Edito Mocorro, may-asawa, ng Purok 4, Barangay Luna ng nasabing bayan.

Ayon sa SAMPS, bago ang pag-aresto kay Mocorro, nakatanggap ng intelligence report ang nasabing pulisya na nakita ang suspek sa Purok 4, Barangay Luna.

Dala ang arrest warrant na ibinaba ni Judge Constantino F. Esber, ng Naval, Biliran, sinalakay ng mga operatiba at inaresto ang suspek.

Nakakulong ngayon ang suspek sa SAMPS detention cell at kasong rape ang isinampa laban sa kanya. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.