Una sa Balita

3 tanod, 2 pa timbog sa pot session

By
0 380

SWAK sa kulungan ang tatlong barangay tanod at dalawa pang kasabwat matapos mahuli sa akto na nagpa-pot session sa Malabon City, kamakalawa nang gabi.

Nakilala ang tatlong tanod ng Barangay Longos na sina Joselito Arganda, 49-anyos, residente ng Block 12, Lot 9, Phase 2; Arnaldo Rigunan, 50-anyos, ng Block 14-A Lot 12 at Rosaldo Roque, 43-anyos, ng Block 12-B Lot 41 Phase 2, Area 3 kasama ang mga kasabwat na sina Federico Jr. Reyes, 44-anyos at Philip Fesalbon, 24-anyos, kapwa mga residente ng Barangay Longos, Ma­labon City.

Ayon sa ulat ng Police Community Precinct (PCP) 3 ng Ma­labon City Police, nakatanggap sila ng tawag mula kay Kapitana Angelika Dela Cruz ng Barangay Longos bandang alas-11:30 Lunes nang gabi kung saan may nagaganap umanong pot session sa Block 12, Barangay Longos na kinasasangkutan ng kanyang tatlong barangay tanod.

Agad na rumesponde ang pulis­ya at naaktuhan ang iligal na gawain ng limang suspek kaya agad na dinampot.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang limang sachet na nagla­laman ng shabu.

Kasalukuyang nakakulong sa Malabon Detention Cell ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 11 ng R.A. 9165 o Illegal Drugs Act.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy