Una sa Balita

3 Taiwanese swak sa kaso ng illegal drugs

By ,
0 6

Pormal nang isinampa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kasong illegal drugs laban sa tatlong Taiwanese nationals na naaresto sa magkahiwalay na anti-drug opera­tion sa Las Piñas at Parañaque noong Martes.

Nahaharap na ngayon sa kasong Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Shih Ming Tsai, 38; Kuo Chuan Cheng, alyas Art o Aaron, 32, at Chun Ming Lin, alyas Allen, 27.

Sa report ng PDEA, naaresto sina Tsai at Cheng sa loob ng isang bahay sa Philamlife Village, Pamplona Dos sa Las Piñas, habang si Lin ay nadakip sa loob ng isang unit sa Executive Villagers Society sa BF Homes, Phase 5, Parañaque City.

Abante Hiring – IT dep

Sina Tsai at Cheng ay kinasuhan ng paglabag sa batas na Article II, Sec. 8 (Manufacture of Dangerous Drugs) at Sec. 10 (Manufacture or Delivery of Equipment, Instrument, Apparatus and other Para­phernalia for Dangerous Drugs), Sec. 11 (Possession), and Sec. 15 (Use of Dangerous Drugs).

Sa pagdakip sa mga ito, narekober ng PDEA ang 46.85 gramo ng shabu at 263.08 gramo ng brownish substance na kalaunan ay nakumpirmang shabu.

Nakakumpiska rin ng mga drug paraphernalia at iba’t ibang kemikal na gamit sa paggawa ng shabu sa nasabing opera­syon.