Una sa Balita

3 Taiwanese, Pinay tiklo sa sangkap ng shabu sa Quezon

By
0 167

NATIMBOG ng mga awtoridad ang tatlong Taiwanese nationals at isang Filipina matapos makumpiska sa mga ito ang iba’t ibang kemikal na gamit sa paggawa ng shabu sa Brgy. Dinahican, Infanta, Quezon kahapon nang madaling-araw.

Ayon kay Sr. Supt.Osmundo De Guzman, Quezon police director, nakasakay na sa isang motorized banca ang mga suspek at ibibiyahe na sana ang mga kemikal ng mahuli ang mga ito ng magkasanib na puwersa ng SOU-1 PNP-DEG, Infanta police, PNP-Maritime Group at PDEA-4A dakong alas-kuwatro nang madaling-araw.

Kinilala ang mga naaresto na sina Jhuo Tian-You alyas Pempao, Wang Ching-Huang at Lin, Ching-Weng alyas Awon, at ang isang babaeng kasama ng mga ito na si Kimberly De Vera y Ladislao.

Nakumpiska sa mga ito ang 10 sako ng ‘di matukoy na kemikal at nasa 600 litro ng liquid substance na nakasilid sa 22 plastic container.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga naaresto at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Samantalang patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam pa kung saan sana dadalhin ang mga kemikal at kungsaan ito nanggaling.