Una sa Balita

3 taga-Mindanao, 2 taga-Luzon, 1 taga-Visayas bakbakan na sa Tawag ng Tanghalan

By
0 3,769

Tatlong taga-Mindanao, dalawang taga-Luzon, at isa mula Visayas ang magbabakbakan para masungkit ang pagkakataong matupad ang kanilang pangarap sa Quarter 3 semifinals ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime.

Isang buong linggo ang muling ilalaan ng kumpetisyon para sa anim na asahan na isang matinding bakbakan na nagsimula kahapon (Jan. 29).

Gigil ang sumisiklab sa pangarap ni Ato Arman ng Bukidnon. Buo ang tiwala niyang Tawag ng Tanghalan ang magbabago ng buhay niya para umunlad mula sa pagiging karpintero.

Inspirasyon naman ni Charles Kevin Tan ng Negros Occidental ang kasintahan ng 10 taon na siya ring kasa-kasama niya sa sarili niyang baking business. Mas determinado rin siyang magwagi ngayon bilang resbaker na naging daily winner noong 2016.

Resbaker din si Sofronio Vasquez ng Misamis Occidental. Inspirasyon niya ang amang may sakit.

Paninindigan naman ang nagtutulak kay Tuko Delos Reyes ng Aurora na magtagumpay.

Handa na ring manalo ang dating microphone saleslady na si Lalainne Araña ng South Cotabato na gusto nang ituloy ang pangarap na maging isang professional singer.

Malapit na ang tagumpay sa kamay ni Boyet Onte, na sinubok na rin ng pagkakataon matapos niyang mabigo nang pitong beses na pag-audition sa Tawag ng Tanghalan. Idedeklara ang contenders na makakapasok sa grand finals mula sa combined scores ng mga hurado at boto ng madlang people. Muli rin silang huhusgahan base sa kanilang sa pag-awit ng kanilang audition songs, awiting panlaban o fight song, awit para sa pamilya, awit ng kanilang musical influence, hurado’s choice, at awit ng kanilang buhay.

Para suportahan ang paboritong contenders,­ iboto sila sa pamamagitan ng pag-text ng TAWAG (space) (Name of Semifinalist) at i-send ito sa 2366. Libre lang ang pagboto para sa ABS-CBNmobile subscribers at P1 para sa ibang networks. Maaari lang makapagpadala ng isang boto ang bawat SIM card kada araw.