Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 suspek sa Cotabato masaker arestado

0 130

Kalaboso ng mga operabtiba ang tatlo sa apat na suspek na tinuturong pumatay sa apat na miyembro ng pamilya sa Barangay Lagunde, Pikit, North Cotabato.

Kinilala ang mga suspek na sina Abdul Amer Mamalo, 29; Nasser Noh Ali, 30; at Salahudin Nando Noh, 21, residente ng Sitio Kadingilan. Habang ang isa ay patuloy pang tinutugis ng mga awtoridad.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kinilala umano ang mga suspek ng isa sa mga nakaligtas na biktima na naging ugat ng kanilang pagkakaaresto. Tinuro ng survivor at ilang witness si Mamalo bilang tanging namaril sa insidente.

Ayon kay Cpt. Mautin Pangandigan, Pikit police chief, umamin umano si Mamalo sa pamamaril dahil sa kanilang personal nag alit sa isang malapit na kamag-anak ng mga biktima.

Nitong Biyernes pinagbabaril hanggang mapatay ang apat na katao, kabilang ang 3-anyos na babae. Kasalukuhang nasa police custodial facility ang mga suspek habang hinahanda ang kaso laban sa kanila.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.