Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 sundalo sugatan sa bakbakan kontra ASG

0 136

Sugatan ang tatlong sundalo makaraang makipagbakbakan sa mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Brgy. Tumatangin sa Indanan, Sulu noong Linggo, ayon sa report ng Philippine Army.

Sa isang pahayag, sinabi ni Joint Task Force Sulu at 11th Infantry Division Commander Maj. Gen. Ignatius Patrimonio na naimpormahan ang tropa ng 100th Infantry Brigade sa presensiya ng mga rebelde kaya nagtungo sila sa nasabing lugar.

Gayunman, sinalubong ng mga tauhan ni ASG leader Radullan Sahironn ng putok ang mga sundalo kung kaya’t gumanti ang mga ito kung saan ay tumagal ng 30 minuto ang kanilang bakbakan.

Samantala, sinabi ni Patrimonio na nasa mabu­ting kalagayan na ang mga tinamaang sundalo. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.