Una sa Balita

3 sundalo patay sa IED, 50 sugatan

By
0 63

ZAMBOANGA CITY — Patay ang 3 sundalo at marami pang iba ang sugatan matapos silang masabugan ng improvised explosive device (IED) sa Marawi City sa Lanao del Sur na kung saan ay patuloy ang sagupaan sa pagitan ng militar at lokal na ISIS militants.

Mahigit sa 50 ang kumpirmadong sugatan sa naturang pagsabog na naganap kamakalawa. Dahil dito, nadagdagan na naman ang bilang ng mga sugatan na mahigit na sa 1000 mula ng magsimula ang sagupaan noong Mayo 23.

Tikom naman ang bibig ng mga opisyal ng Western Mindanao Command sa naturang casualties.

Nasabugan ang mga tropa habang pinaghaha­nap ang mga militante na nakatakas sa Grand Mosque kasama ang kanilang mga bihag. Wala rin humpay ang pambobomba ng mga eroplano at sundalo sa mga gusali sa Marawi na hinihinalang taguan ng mga militante.

Hindi pa mabatid kung ilang sibilyan at hostages ng ISIS ang napatay sa mga pambobomba ng militar sa Marawi. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy