3 shabu lab aktibo sa Luzon

By

Ibinunyag ng bagong upong Dangerous Drugs Board (DDB) chairman Dionisio Santiago na may tatlo pang shabu laboratory sa Luzon na aktibo sa operasyon batay sa kanyang impormante.

Apat umano ang naturang shabu laboratory subalit kasasara lamang ng isa dito.

Sinabi ni Santiago na ang nagsarang shabu laboratory ay matatagpuan sa Magalang, Pampanga na una nang sina­lakay ng mga awtoridad noong Setyembre 2016.

Gayunman, hindi tinukoy ni Santiago kung saan matatagpuan ang tatlo pang aktibong shabu laboratory dahil trabaho na umano ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang ahensya ng pamahalaan na tuntunin ang mga ito.

SHARE