Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 senior dedo sa nagliyab na van

0 140

TATLONG senior citizen ang namatay nang masunog ang tinitirahan nilang bahay sa Davao City.

Sa imbestigasyon ng Davao City Fire District (DCFD), sinasabing nagsimula ang apoy sa isang mini van na inaayos noon ng isa sa mga biktima.

Bigla na lamang umanong nagliyab ang mini van. Dito na nadamay ang bahay ng mag-asawang senior citizen.

Sinubakan pa umano ng mekaniko na sagipin ang mag-asawa pero na-trap din siya.

Nadamay sa nangyaring sunog ang kusina ng restawran na katabi ng nasunog na bahay. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.