Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 senador urong-sulong

0 190

Tatlong senador ang nag-alangan pumirma sa report ng Senate Blue Ribbon committee kung saan pinakasuhan sina Health Secretary Francisco Duque III at ilan pang opisyal ng gobyerno at Pharmally dahil sa maanomalyang transaksiyon.

Ayon sa chairman ng Senate Blue Ribbon, nagdalawang-isip umano ang tatlong mambabatas dahil sa nakasaad sa report na tila kinunsinti umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang overpriced na deal ng gobyerno sa Pharmally.

“‘Yung tatlo, minumuni-muni pa kung pipirmahan nila na maglalagay sila ng amendment dahil ayaw nila masangkot ‘yung pangulo,” lahad ng committee chairman sa panayam ng TeleRadyo.

“‘Yung tatlo na ’yun, nag-aalangan sila kung meron ba tayong sapat na katibayan sa Pangulo,” aniya pa.

Hindi naman binigay ng Senate Blue Ribbon committee head ang pangalan ng tatlong senador, ngunit aniya, pinanga­ralan umano ang kapwa mambabatas na hindi maganda na iwasan ang pagpirma dahil sa relasyon kay Duterte.

“Kung ang tutuntunin mo ay ang pagkakaibigan mo sa presidente, hindi maganda ‘yun. Kung ang tuntunin mo ay ‘yung karapatan ng tao at ‘yung tungkulin mo sa bayan at ‘yung tama, ‘yun ang dapat mong sundin,” wika ng chairman.

Sa report ng Senate Blue Ribbon, nilahad na maaaring kasuhan ng inciting to sedition at grave coercion si Duterte kaugnay ng kuwestiyonableng P8 bilyong COVID-19 pandemic supply­ contract na pinasok ng gobyerno sa Pharmally. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.