Una sa Balita

3 sasakyan inararo ng trailer truck: 7 patay, 6 sugatan

1 pamilya napitpit sa loob ng kotse

By
0 280

APAT agad ang nasawi kabilang ang tatlong miyembro ng isang pamil­ya habang anim pa ang sugatan matapos araruhin ng isang trailer truck ang tatlong magkakasunod na sasakyan sa Maharlika Highway, Brgy. San Jose, Sto. Tomas, Batangas kahapon nang madaling-araw.

Ayon kay Supt. Chitadel Gwaoiran, spokesperson ng Calabarzon police, unang sinagasa ng southbound trailer truck ang kasalubong na isang tricycle bago ito sumabit sa isang Bicol Isarog passenger bus at saka natumbok ang isang kotseng Toyota Vios na may plate number WB 0456 dakong alas-5:30 nang madaling-araw.

Naipit sa loob nang pumailalim sa truck na kotse ang mag-anak na sina Rencie Bautista y Agbin, 33-anyos, isang engineer; asawang si Remedios Bautista y Sereban, 33, bank assistant manager, at ang anak 4-anyos na si Zyryn Athena.

Pawang ideneklarang dead on the spot ang tatlo matapos ang mga ito ay mahugot ng mga rescuer sa nagkayupi-yuping kotse.

Dead on the spot din ang driver ng tricycle na si Calexto Racasa y Guzman, 64, residente ng Brgy. Sabang, Magdalena, Laguna.

Anim naman ang sugatan kabilang ang driver ng Isarog bus na si Florentino Densing y Eno, 51, mga pasaherong sina Lutha Huarde y Merdegia, 35; Vilma Azotea y Rap­sing, 57; at ang tatlong pasahero ng tricycle na sina Jonas San Juan y Galleta; Aldrin Racasa y Galleta at Arron Racasa y Marasigan, 13.

Naaresto naman ng mga pulis ang hindi nasugatang driver ng truck na si Ruel Jarabese y Repollo, 44, residente ng Lucena City.

Ayon sa mga imbestigador, mabilis ang takbo ng truck at nawalan umano ng kontrol ang drive­r nito habang binabagtas ang pababang bahagi ng highway kaya naararo nito ang tatlong kasalubong.

Nagdulot din ng mahabang trapiko ang insidente na umabot din ng ilang oras bago naibalik sa normal na daloy ng trapiko.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy