Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 sa DepEd dinapuan ng COVID

0 125

NASA `workplace quarantine’ ngayong araw ang Department of Education-Region 2 (DepEd-R2) dahil tatlong kawani nito ang nagpositibo sa coronavirus disease-19 (COVID-19).

Ayon kay DepEd-R2 spokesperson Amir Aquino, humingi sila kay DepEd Secretary Leonor Briones na bigyan ng kapangyarihan ang regional director ng departamento ng edukasyon na magdeklara ng workplace lockdown simula kahapon (January 18) hanggang Miyerkules.

Sinabi ni Aquino na nagsimula naman noong Sabado ang disinfection sa kanilang tanggapan upang matiyak ang proteksyon ng mga papasok sa trabaho.

Ayon pa sa opisyal, magkakaroon ng skeletal workforce ang mga essential services tulad ng Health, Finance at tanggapan ng panrehiyong director ng DepEd.

Sa ngayon, ay naka-isolate na ang tatlong kawani at nagsasagawa na ang mga otoridad ng contact tracing sa nakahalubilo ng mga ito. (Allan Bergonia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.