Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 sa Bulacan tsinugi! Duterte uubusin mga kurakot na DPWH engineer

0 173

HINDI titigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghabol sa mga tiwaling district engineer at iba pang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ito ang mariing babala ng Presidente matapos isapubliko ang mga opisyal ng gobyerno na nadismis sa serbisyo dahil sa korapsiyon at iba pang paglabag sa trabaho.

Sa kanyang lingguhang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na hindi pa siya tapos sa pagwawalis sa mga tiwali sa DPWH, ang iba aniya ay mga kaibigan pa nito.

“I’d like to issue a warning. Hindi pa ako tapos sa DPWH. Hindi pa ako tapos sa inyo, kayong mga matagal na sa district engineer. Some of you are even friends of mine,” anang Pangulo.

May mga proyektong hindi natapos na itinago umano kaya nasuspinde ang mga opisyal na may hawak sa proyekto.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero sinabi ni Pa­ngulong Duterte na hindi niya kailangan ang mga magtatrabaho sa gobyerno na walang alam at maglulustay lamang ng pera ng taong-bayan.

Kakaunting panahon na lamang aniya ang nalalabi sa kanyang termino at gugugulin niya ito para maalis sa serbisyo ang mga hindi karapat-dapat at walang alam sa trabaho.

“Less than a year wala na ako. But pag nagkamali kayo maski kaunti ngayon, iwasan ninyong magkamali. I dont need government workers na ganoon. Kung wala ka palang alam bakit ka pumasa sa board? Letse ka!” ang galit na pahayg ng Presidente.

Kabilang sa mga binanggit ng Pa­ngulo na mga nadismis at nasuspinde dahil sa dishonesty, gross misconduct of duty, gross neglect and grave misconduct at iba pang paglabag ay sina Ramiro M. Cruz, district engineer ng Bulacan; Alfredo Hernandez; at Armando Juan.

Kasama rin sa binanggit ng Pangulo ay si Noel Reyes, administrative office III ng Department of Trade and Industry na nahaharap sa kasong kriminal dahil sa serious dishonesty, grave misconduct, gross glect of duty at pamemeke umano ng official receipts na naging dahilan para mawala sa DTI ang P1.69 milyon.(Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.