Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 Quezon City evacuee positibo sa COVID

0 73

RP

Inanunsyo ng Quezon City local government na tatlo sa mga lumikas noong bagyong Ulysses ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa pahayag ng QC LGU, ang tatlong bakwit ay kasama sa 640 indibiduwal na sumalang sa testing.

SM food to go Banner Ad

Saad naman ni QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit head Dr. Rolando Cruz, imo-monitor pa rin nila ang iba pang evacuee kahit nagnegatibo ang mga ito sa swab test.

Ang tatlo naman na COVID-19 positive ay dinala na sa mga pasilidad para mapagamot.

Sa ngayon ay mayroon nang 24,434 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa nasabing kaso, 23,236 ang gumaling na habang 709 naman ang nasawi.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.