Una sa Balita

3 pusher laglag sa buy-bust

By
0 5

CABANATUAN CITY — Bagsak sa kamay ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Nueva Ecija ang isang notoryosong drug pusher sa isinagawang buy-bust nitong Biyernes ng hapon sa Brgy. Bonifacio sa lungsod na ito.

Nabatid ng Abante kay P/Chief Inspector Francis Aldrich Garcia na sa pamamagitan ng ‘Oplan Big Bertha’ ay nahuli sa buy-bust si Esmail Cali Miphantao, isang negosyante, pagkaraan ng halos isang buwan ng pagsubaybay sa gawain nito.

Sa Gapan City, naaresto naman sina Luis Caperlac Mactal a.k.a Taet, 46-anyos na tricycle driver ng Brgy. Bayanihan at si Carlo Conrado Dimaano y Dizon, 34, ng Brgy. Sto. Niño, kapwa ng sa naturang lungsod.