Una sa Balita

3 preso sa Pasay jail tigok sa heat stroke

By
0 102

DAHIL sa heat stroke bunsod ng masikip at mainit na kulungan ang hinihinalang dahilan ng pagkamatay ng tatlong preso ng Station Drug Enforcement Team (SDET) sa Pasay City kamakalawa nang gabi.

Naisugod pa sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang mga detainee na sina Noel Albetia, 36-anyos, naninirahan sa No. 4436 Duhat St., Brgy. 178, Camarin, Caloocan City; Edwin Moreno, 25, ng Brgy. 156, Zone 16, Tramo Riverside, at Felix Yusores, Jr., 33, nakatira sa Brgy. 180, Zone 19, Amethyst St., Maricaban, Pasay City at pawang may mga kaso sa droga.

Base sa isinumiteng report ni Sr. Supt. Noel Flores, hepe ng Pasay City Police, dakong alas-8:40 nang gabi nang makitang nahihirapan huminga ang tatlo sa loob ng detention cell ng SDET, Pasay City Police Station.

Abante Hiring – IT dep

Lumalabas sa imbestigasyon ni SPO3 Giovanni Arcinue, may hawak ng kaso, tinawagan ng duty jailer na si PO3 Angelita Aguila, ang Pasay City Rescue Team dahil unconscious ang tatlong preso.

Kaagad na isinugod ang tatlong preso sa nabanggit na pagamutan subalit idineklarang dead on arrival.

Napakasikip at sobrang init sa nabanggit na detention cell dahil dito hindi nakayanan ng mga biktima hanggang sa nahirapang huminga ang mga ito.

Kung kaya’t hinihinalang na-heat stroke ang tatlo at bukod pa dito ay may mga rushes sa kanilang mga katawan.

Nabatid na nasa 30 preso ang kapasidad nang nasabing detention cell na kung saan nasa 25 lalaki at limang babae lamang ang dapat na nakakulong dito.

Subalit, ang nakakulong ngayon dito ay nasa 84 dahil sa insidente ay nagbawas ng 32 preso ang pulisya at pansamantalang inilipat sa kulungan sa 12 Police Community Precinct (PCP) ng Pasay City Police.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa na ng malalimang imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang sanhi nang pagkamatay ng tatlong preso.