Una sa Balita

3-point shooting ng Kazakhs dapat pigilan

By
0 410

Huwag muna magbunyi dahil hindi pa tapos ang laban ng Team Pilipinas na naghahangad na makapasok sa FIBA World Cup sa China sa August ngayong taon.

Bagama’t tinalo natin ang Qatar kamakalawa ng madaling-araw oras sa atin sa ‘Pinas by 38 points, 84-46, kailangan pa nating tiklupin ang Kazakhstan Linggo ng madaling-araw.

Sa interview ng Isport Lang kay Coach Yeng Guiao ilang oras bago sila tumulak ng Astana, kapitolyo ng Kazakhstan, nagpahayag siya ng konting kaba.

Una, kailangan nilang mapigil ang mga shooter ng Kazakhstan na naging dahilan para tayo matalo sa window 4 ng elimination na idinaos dito sa atin.

Pangalawa, hindi pa sigurado si June Mar Fajar­do na makakalaro dahil sa tinamaan ng flu. Idagdag pa ang lamig ng panahon dahil hindi sanay ang mga player natin sa nagyeyelong panahon.

Nang ma-upset ng mga Kazakhstan ang Team Pilipinas sa sagupaang ginanap dito sa atin sa Pilipinas, pinatay nila tayo sa solido nilang three-point shooting.

Mantakin ninyo, 12-of-23 triples sila para sa 52.2 percent clip kumpara sa Pilipinas na 8-of-23 treys.

Pinangunahan ni Alexndr Zhigulin ang Kazakhstan nang umiskor ito ng 30 points, si Anton Bykov 20 points samantalang sina Murzagaliyev Kuanov ay may 5-of-7 triples.

‘Yang mga nabanggit kong players ang concern ni Coach Yeng na kailangang mapigilan.
Ang isa pang problema ng Pilipinas ay ang ensayo.

Dahil walang direct flight sa Kazakhstan, kailangan ng Pilipinas na magtungo muna ng Turkey. Ang biyahe dito ay five hours at may layover ito na nine hours.

Mula Turkey hanggang Kazakhstan limang oras din ang biyahe kaya isang beses lamang silang makakaensayo at sa Feb. 24 ng madaling-araw dito sa Pilipinas ay laro na.

Sa ngayon nasa pang-apat pa ring puwesto ang Pilipinas sa Group F elimination na pinangungunahan ng Australia.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy