Una sa Balita

3-point mark ni Dondon, babasagin ni James Yap

0 330

KINAPOS si James Yap sa paghahabol ng PBA record Biyernes ng gabi.

Hindi makakonekta mula long range si Yap sa 84-77 win ng Rain or Shine kontra Magnolia sa Game 1 ng Philippine Cup semifinals sa Smart Araneta Coliseum.

Laban sa dating team na Hotshots, isa lang ang naipasok ni Yap sa anim na bato mula sa labas ng arc tungo sa 8 points.

Kinapos siya ng isang 3 para pantayan ang record ni Dondon Hontiveros sa No. 4 ng PBA all-time list ng 3-pointers made.

Sa buong career, nakaipon ang Cebuano­ Hotshot ng 1,137 made 3s. Si Big Game James, nakaka-1,136 na 3-pointers na sapul nang pumasok sa liga noong 2006 bilang second pick overall ng Purefoods.

Nasa unahan ng da­lawa sina Jimmy Alapag (1,250), Allan Caidic (1,242) at Ronnie Magsanoc (1,171).

Posibleng mapantayan na ni Yap ang record ni Hontiveros, puwedeng lagpasan pa, sa Game 2 ng semis mamaya sa Big Dome din. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy