Una sa Balita

3 PMA cadet suspek sa pagkamatay ni Dormitorio

0 457

IKINUNSIDERA nang suspek ng pulisya ang tatlong kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na umano’y responsable sa hazing na ikinasawi ni PMA Cadet 4th Class Darwin Dormitorio noong Miyerkoles.

Matatandaang unang itinuring na person of interest­ ng pulisya ang tatlong upper classmen ni Dormitorio, dalawang 3rd class cadet at isang 1st class cadet, na hindi pa inilalabas ang mga pangalan na ngayon ay nasa holding area ng PMA.

Ayon naman kay Baguio City Police Director, PCOL Allen Rae Co, kasalukuyan nilang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa mga suspek matapos magtugma ang mga salaysay ng ibang kadete sa resulta ng autopsy ng Baguio PNP crime laboratory hinggil sa sinapit ni Dormitorio.

Lumalabas din sa imbes­tigasyon na tatlong ulit na isinugod sa PMA station hospital si Dormitorio, unang­ beses ng ma-confine ito noong Agosto 20 hanggang 27, na sinundan naman noong Setyembre 7 at huli ay noong Setyembre 17 ng taong ito.

Samantala sa press statement na inilabas kahapon ni Colonel Noel Detoyato, chief ng Public Affairs Office ng Armed Forces of the Philippines (PAO-AFP), ipinag-utos na nito ang mabilisang imbestigasyon sa kaso ng pagkamatay ni Dormitorio upang mabigyang linaw ang pangyayari habang itu-turn over na nila sa tamang awtoridad ang tatlong kadete na sangkot sa pagkamatay ng biktima at hayaang gumulong ang hustisya para sa nasawi.

“The AFP assures that all individuals involved in this unfortunate incident will be made accountable as we continue to uphold the highest­ degree of accountability and transparency within our ranks, let it be known that the AFP does not tolerate any kind of action that endangers the lives of all our members, more so future leaders of our organization,” pahayag ni Detoyato sa kanyang statement.

“We hold every soldier, cadet, and civilian employee with the highest standards of professionalism and respect for the human life.

The AFP will continue to undertake necessary steps to ensure that this tragic incident is properly investigated and to prevent it from happening again,” pagtatapos ng opisyal.

(Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy