Una sa Balita

3 Pinoy tourist kalaboso sa HK bank fraud

0 565

Tatlong turistang Pilipino ang hinatulang mabilanggo ng limang buwan matapos maghain ng guilty plea sa 4 counts ng paggamit ng ‘false instrument’ upang makapagbukas ng account sa dalawang bangko sa Hong Kong.

Nakayuko at napaiyak habang binabasahan ng sentensiya ni Magistrate Lam Tsz-kam sina Enrique Vargas, Ryan Illustrisimo at Maureen Gutierrez, pawang mga call center agent sa Pilipinas.

Sa ulat ng The Sun Hong Kong, hindi umano magkakakilala ang tatlo kundi nagkita lamang matapos patulan ang alok sa social media hinggil sa libreng trip sa kondisyong magbubukas sila ng account sa Hong Kong.

Dumating sila sa Hong Kong noong Oktubre 9, 2018 at isang lalaki ang sumalubong sa kanila at nag-abot ng mga dokumento sa pagbukas ng account. Tumungo sila sa Standard Chartered branch sa Connaught Road Central at nakapagbukas ng account gamit ang ibinigay na pekeng work contract at home address.

Kinabukasan ay tumungo rin sila sa Bank of China branch sa Admiralty at nagbukas ng account doon. Bumalik sila ng hotel at sinubukang i-access ang account subalit hindi nila mapasok kaya’t buma­lik ng bangko ang tatlo pero hindi nila alam na ini-report na pala sila sa pagsusumite ng pekeng dokumento.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy