Una sa Balita

3 Pinoy na bihag sa Libya, buhay pa — Bello

By
0 243

BUHAY pa umano ang tatlong Filipino at isang Koreano na binihag ng mga armadong grupo sa Libya.

Ito umano ang tiniyak kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ng gobyerno ng Libya.

Sinabi ni Bello, ginagawa na ng Libya ang lahat ng makakakaya para mapalaya ang apat na bihag na kinilalang sina Roderick Rivera, Antonio Manaba, Romeo Manaba at isang mula South Korea.

Gayunman, hindi nagbigay ng detalye ang gobyerno ng Libya sa ginagawa nilang hakbang.

Sinabi ng Kalihim, tiwala siya na magiging matagumpay ang rescue sa mga bihag na manggagawa.

Nabatid sa kasaluku­yan patuloy pa rin umano­ ang negosasyon sa pagitan ng gobyerno at nasabing grupo.

Matipid rin ang gobyerno ng Libya sa pagbibigay ng impormasyon sa media para hindi makaapekto sa negosasyon.

Matatandaan na hindi­ na natuloy ang pagpunta sa Libya ng ilang opisyal ng bansa­ para masagip ang tatlong­ Filipino.

Nabatid na bubuo pa sana si Bello at presidential spokesperson Secretary Harry Roque ng isang high level team na pupunta sa Libya.

Sinabi ni Roque na napakadelikado ang nasabing pagbiyahe kaya inalala muna nila ang kanilang kaligtasan.

Gayunman, hindi na­ngangahulugan na haha­yaan na lamang nila ang mga Filipino na binihag.