Una sa Balita

3 Pinoy militants kulong sa Malaysia

0 101

Ikinulong ng Malaysian police ang apat na dayuhan kabilang ang tatlong Filipino na pinaghihinalaang sangkot sa tero­ristang aktibidades.

Ang mga suspek ay nakulong sa pagitan ng petsang Setyembre 27 at Oktubre 6 sa Sabah, Selangor at Perak.

Nababahala umano ang pulisya sa paglipana ng mga Muslim militants na utak sa paghahasik ng terorismo na suportado ng Islamic State (IS) group at posibleng konektado sa nagaganap na gulo sa Marawi na kalapit bansa ng Malaysia.

Sa Sabah raid, 2 Malaysian at 3 Pinoy ang inaresto. “They were suspected of helping terro­rist elements of the Abu Sayyaf Group infiltrate Malaysia via Sabah,” sabi pa sa isang statement.

Isa namang 35-anyos na Albanian na lecturer sa isang university ang inaresto sa Selangor at sinasabing may koneksyon sa IS.

Ang mga nadakip ay nagpaplano umanong mag-organisa nang pag-atake sa mga banal lugar na sinasambahan o ­moske habang nanga­ngalap o nagre-recruit para sa local extremist group.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy