Una sa Balita

3 Pinay pinarangalan sa New York City

0 248

TATLONG Pinay ang pinarangalan ng Philippine Consulate sa New York bilang bahagi ng selebrasyon ng National Women’s History month.

Ayon kay Consul General Claro Cristobal, kinilala bilang Distinguished Filipino Woman in Public Service Award si dating COA commissioner Heidi Mendoza.

Si Mendoza ay nagtatrabaho ngayon ay undersecretary general ng United Nations at unang Pinay na nakapagsilbi sa nasabing puwesto.

Ginawaran naman ang Filipino-American na si Major Jessica Alina Persad ng Distinguished Service in the Air Force National Guard.
Habang ang food blogger na si Erin Robles ay binigyang parangal din bilang natatanging Pinay.

Si Robles na may 75,000 follower­s sa Instagram at palaging ipinagmamalaki ang pinanggalingan niyang bansa, ang Pilipinas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy