Una sa Balita

3 patay, 200 naospital sa tigdas sa Bicol

By
0 57

TATLO ang namatay sa tigdas habang kulang sa 200 kaso nito ang naitala simula Enero hanggang Setyembre 1 ng taong ito sa Bicol region, ayon sa ulat kahapon ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Dr. Rita Mae-Ang, head ng DOH Bicol, ang mga namatay sa tigdas ay mula sa lalawigan ng Albay at Camarines Norte, habang 187 kaso pa ang patuloy na inoob­serbahan sa pagamutan nitong mga nagdaang mga araw.

Ang bilang ng kaso ng tigdas ayon kay Bon ay mas mataas ngayon kumpara sa kaparehong petsa noong nakaraang taon.
“It is high compared in 2017 covering the same period which only reached up to 54 suspected cases,” pahayag ni Bon.

Abante Hiring – IT dep

Base sa taalaan ng DOH Bicol, may 12 kaso ng tigdas sa lalawigan ng Albay, 38 sa Camarines Norte, 60 sa Camarines Sur, 62 sa Masbate, 12 sa Sorsogon at 3 sa Catanduanes.

Gumawa na rin ng paraan ang DOH Regional Unit sa pamamagitan ng simultaneous school based measles, mumps at rubella vaccination upang maprotektahan ang mga bata lalo na ang mga estudyante sa pa­nganib ng nasabing sakit.