Una sa Balita

3 pang tulak sa Bulacan bulagta

By
0 156

Tatlo pang shabu pusher na nasa listahan ng illegal drug personalities ng pulisya ang napatay sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Bulacan.

Ayon kay P/Supt. Rizalino Andaya, Norzagaray police chief, nakilala ang mga napatay na sina Rodrigo Maringal y Villanueva alias Boy Cruz, 40, may asawa at Danilo Bardaje alias Jomar Fulgo, nasa hustong gulang at kapwa ng Block 3, Lot 72, Phase 1 Bgy. FVR na kapwa nagtamo ng tama ng bala sa katawan sa isinagawang buy-bust operation ng Norzagaray Philippine National Police (PNP) sa drug den sa Phase 1, Bgy. FVR, Norzagaray, Bulacan kamakalawa.

Samantala, napatay din sa hiwalay na drug operation si Rodesto Jenotan y Censo alias Hudas, shabu pusher sa buy-bust operation sa Bambang, Bocaue, Bulacan kamakalawa habang nadakip ang kanyang live-in partner na kinilalang si Marites Nicolas y del Rosario, 44-an­yos.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More