Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 pang sundalo sa C-130 crash kinilala

0 114

Tatlo pang sunog na bangkay ng sundalo na nasawi sa malagim na trahedya ng pagbagsak ng C-130 nitong nakaraang buwan sa Sulu ang kinilala, ayon sa ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kahapon.

Sa ulat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) Crime Lab Region 9, kinilala ang bangkay na sina Corporal Jerome M Balivado, Private Joey T Loterte, at Private Kevin L Damole, pawang nakatalaga sa Philippine Army.

Sa pamamagitan ng Western Mindanao Command, ipinaalam na sa ito pamilya ng mga nasawi at dadalhin na ang mga bangkay sa kani-kanilang pamilya upang mabigyan ng maayos na libing.

Sa ngayon ay aabot na sa 37 nasunog na bangkay ng mga sundalo ang nakilala na habang mayroon pang 13 iba pa ang kinikilala.

Matatandaang nag-crash ang isang C-130 ng AFP nitong Hulyo 4 kung saan lulan nito ang 96 na AFP personnel.

Limampung sundalo ang nasawi habang karamihan sa mga ito ay hindi makilala dahil sa halos masunog ang katawan, habang 46 na iba pa ang nakaligtas pero karamihan ay nakaratay pa sa pagamutan. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.