Una sa Balita

3 pang front liner nadagdag sa kaso ng coronavirus

0 339

TATLONG health care providers ang panibagong kaso ng coronavirus disease-2019 (COVID-19) sa Region 2, ayon sa Department of Health-Region 2 (DOH-R2).

Ito ang kinumpirma ni DOH-R2 officer Dr. Leticia Cabrera kung saan kinilala lamang ang mga biktina na sina PH1180, isang 36-anyos, isang babae, ng Tuguegarao City; si PH1182, 30, lalaki, tubong Lal-lo na kasalukuyang nakatira sa Cagayan at si PH1261, 27, residente sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ayon kay Cabrera, kapwa frontliner sa CVMC sina PH1180 at PH1182 na may exposure sa unang nagpositibo sa lungsod na si PH275, habang nagkaroon naman ng exposure si PH1261 kay PH774 na unang naitalang namatay dahil sa Covid-19 sa nasabing rehiyon.

Kaugnay nito, ayon kay Dr. Cherry Lou Antonio, ng Cagayan Valley Memorial Center (CVMC), naka- strictly home quarantine si PH1180 kung saan mag-isa lamang siya sa tinitirhang bahay habang nasa COVID ward naman sa CVMC si PH1182 at si PH1261 ay minomonitor din sa Region 2 Trauma and Medical Center sa Nueva Vizcaya.

Sinabi pa ni Antonio na nasa maayos namang kalagayan ang tatlo at kasalukuyan na rin ang ginagawang contact tracing sa nakasalamuha ng mga ito.

Sa ngayon, nasa 14 na ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Region 2 habang 250 ang Person Under Investigation (PUI) kung saan 141 na ang nagnegatibo at 47,083 naman ang Person Under Monitoring (PUM) sa buong rehiyon. (Allan Bergonia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More