Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 pang bangkay sa C-130 crash pinangalanan

0 143

TATLO pang bangkay ng sundalo mula sa bumagsak sa C-130 plane sa Patikul, Sulu noong Hulyo 4 ang nakilala na, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa pahayag ng AFP, ayon na rin sa report ng Regional Crime Laboratory Office 9 ng Philippine National Police, kinilala ang sundalong sina Corporal Jemmar B. Mondido; Private First Class Lester Al T. Lagrada; at Private First Class Bensheen V. Sabaduquia.

Naipagbigay alam na ito sa kanilang mga mahal sa buhay at inihahanda na rin ang paghahatid ng mga labi sa kanilang pamilya.

Nasa 40 bangkay ang nakilala na at 10 na lang ang dumadaan sa “tedious process of identification.”

Bumagsak ang C-130 sa Barangay Bangkal sa Patikul nang hindi naka-landing sa airport.

Nasa 53 ang namatay – 50 sundalo at 3 na sibilyan. Umabot naman sa 46 servicemen at 4 sibilyan ang sugatan. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.