Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 palapag na haybol naabo

0 128

Walong pamilya ang nawalan ng tirahan nang masunog ang isang tatlong palapag na bahay sa Brgy. San Antonio sa Quezon City kagabi.

Sinubukan pa ng ilang residente na apulahin ang apoy, pero hindi na rin kinaya sa sobrang laki nito.

Nahirapan ding pumasok ang mga bumbero dahil magkakadikit ang mga bahay sa lugar, at marami pang eskinita.
Nadamay din sa sunog ang ikatlong palapag ng katabi nitong bahay.

Inabot rin ng isang oras bago idineklara ang fire out. Wala namang nasaktan sa insidente.

Iniimbestigahan pa kung paano nagsimula ang sunog, pero hinala ng isa sa mga nasunugan, may naiwang kandila sa ikalawang palapag, lalo pa’t walang kuryente sa bahaging iyon ng bahay noon. (Damien Horatio Catada)

Leave A Reply

Your email address will not be published.