Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 OWWA staff timbog sa pekeng swab result

0 98

Huli ang tatlong nagpakilalang empleyado ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) dahil sa pekeng diumanong mga bar code ng kanilang swab result sa bayan ng Badoc, Ilocos Norte, ayon sa Badoc Police Station kahapon.

Ayon kay BPS chief-of-police P/Maj. Joseph Tayaban, dalawang lalaki at isang babae ang mga nahuli at bineberipika pa sa OWWA national office kung totoong empleyado dila ng ahensya.

Sa inisyal na report ng pulisya, papasok umano ang mga suspek sa nasabing bayan at dumaan sila sa isang checkpoint, kung saan sila hinanapan ng dokumento.

May iprinisinta naman ang mga suspek na dokumento ngunit nakita ng mga otoridad na peke ang mga bar code na ginamit ng tatlong empleyado ng OWWA ng nanggaling sa National Capital Region (NCR).

Dinala sa kostudiya ng pulisya ang tatlong OWWA employee. (Allan Bergonia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.