Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 NPA utas sa Laguna encounter

0 522

Tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang patay matapos ang isang oras na bakbakan sa pagitan ng mga rebelde at mga miyembro ng PNP Mobile Force sa Laguna Martes ng madaling-araw.

Ayon kay PRO4A Regional Director Brig Gen Vicente Danao Jr., naghahanap ng mapapagpahingahan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Dirty Dozen ng makasagupa ng mga ito ang may 40 rebelde sa Sitio Balatkahoy, Brgy. San Antonio, Kalayaan.

Kinilala ni Danao ang mga nasawing rebelde na sina Dioscorro Cello alyas Ka Termo, Platoon Leader ng Platun Laguna-Quezon Melito Glor Command at general secretary ng Cesar Batrallo Command na may patong sa ulo na P3.8M pabuya at dalawang iba pa na nakilala lamang sa mga pangalang Ka Omar/Efren at Ka Danny/Mar/Rey.

Nakuha mula sa mga ito ang 3 M16A1 rifle, 1 M16 baby armalite na may M203 grenade launcher, 1 improvised explosive device Claymor mine, blasting caps at mga bala. (Ronilo Dagos)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.