Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 NPA todas sa engkuwentro

0 70

Tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa dalawang magkahiwalay na engkuwentro sa Agusan del Norte at Surigao del Sur, ayon sa ulat kahapon ng Philippine Army (PA).

Sa inilabas na pahayag kahapon ng 402nd Infantry Brigade ng PA, unang naka-engkuwentro ng mga tauhan ng 23rd Infantry Battalion ang may 15 miyembro ng NPA nitong Martes sa Brgy. Consorcia sa bayan ng Las Vagas sa Agusan del Norte kung saan nasawi sa bakbakan ang mga teroristang sina Rey Torregosa, 24, Juloiven Badbaran, 41, pawang residente ng Agusan del Sur.

Si Torregosa ay miyembro ng NPA Sub Regional Committee 3 habang si Badbaran ay dating commander officer ng nasabing unit.

Martes din nang maganap ang engkuwentro sa pagitan ng tropa ng 36 IB at nasa 12 miyembro ng mga rebelde sa bayan ng Madrid. Limang minutong nagbakbakan ang mga ito na ikinasawi ng isang rebelde at nakuha ang bitbit nitong M16 rifle.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang operasyon ng militar para sa posibleng pagdakip sa iba pang miyembro ng NPA sa lugar.(Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.