Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 niratrat sa MSU-Marawi campus

0 110

Isang sibilyan ang patay habang dalawa ang nasugatan sa naganap na pamamaril sa bisinidad ng Mindanao State University (MSU-Marawi) campus sa Barangay Lomidong, Marawi City.

Kinilala ni Executive Master Sgt Saadodin Hadjinor, ng Marawi City Police Station ang namatay na biktima na si Samanodong Menor Macadaag, 32-anyos, may-asawa, taga-Barangay Induran, Maranao ng Lanao del Sur.

Nilalapatan naman ng lunas sa Amai Pakpak Medical Center ang sugatang sina Salic Macantanto Alawi Sarip, 58-anyos, negosyante at Moh’d Salic Ampuan Salic Jr, 20, kapwa residente sa nasabing lugar.

Pinaghahanap pa ng pulisya ang dalawang armadong kalalakihan na nasa likod ng pamamaril laban sa tatlong sibilyan.

Tinukoy ni Hadjinor ang mga suspek na sina Sohaily Arindin Ampuan at Raffa Madali.

Lumalabas na nirapido ang mga biktima gamit ang M16 rifle batay na rin sa apat na recovered empty cartridges sa crime scene kaya napuruhan si Macadaag.

Leave A Reply

Your email address will not be published.