Una sa Balita

‘3’ ni Durant nagpaalpas sa Warriors kontra Mavs

0 497

BUONG gabing na­ngungulit ang Dallas Mavericks, ayaw magpaiwan sa Golden State Warriors.

Hanggang pumasok ang key 3-pointer ni Kevin Durant 15 se­conds sa orasan, at nasalag ng Warriors ang fourth-quarter rally ng Mavs tungo sa 120-116 panalo Sabado ng gabi.

Nagsalpak ng magkasunod na 3s sina Durant at Andre Iguodala sa dulo ng third para sa 94-87 lead papasok sa final 12 minutes, inilayo pa sa double digits ng Warriors bago nagbanta ang Mavs sa clo­sing minutes.

Sa jumper ni Harrison Barnes kontra da­ting team 1:20 sa laro ay lumapit ang Dallas 117-115, bago ku­mabyos ang layup ni Durant sa kabila.

Nagdagdag si Durant ng 12 rebounds at 8 assists, tumapos si Stephen Curry ng 22 points, 5 rebounds at 5 assists, at tumikada ng season-high 23 points sa 10 for 12 shooting off the bench si Jonas Jerebko sa Warriors.

Umayuda si Draymond Green ng 14 points, 10 rebounds at 5 assists sa pang-12 sunod na panalo ng Golden State kontra Dallas sa Oracle Arena.

Si Mavericks rookie sensation Luka Doncic ay 5 of 11 mula sa floor, may tatlong 3-pointers sa first half nang ilista ang 14 sa kanyang 19 points para sa 61-58 lead sa break. Pinantayan ni DeAndre Jordan ang kanyang season-high na 23 rebounds. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy