Una sa Balita

3 nawawalang lola sa China balik-bansa na

0 264

TATLONG Pinay na senior citizen at pawang retiradong guro na naunang iniulat na nawala sa China ang dumating na sa bansa nitong Linggo nang gabi.

Ligtas umanong dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga senior na kinilalang sina Linda Varela Guce, Josefina Varela Baysic, at Pacita Varela De Guzman.

Nabatid na nakaroon ng connecting flight pabalik ng ‘Pinas sa Shanghai ang tatlo subalit ang kanilang biyahe ay kinansela dahil sa sama ng panahon kaya bumagsak sila sa Wuhan Tianhe International Airport sa Hubei.

Kinumpirma naman ng isang kaanak ng mga senior citizen na umalis ng John F. Kennedy International Airport sa New York noong Agosto 9, 2019 ang tatlo na lulan ng China Eastern Airlines flight MU 298 bago nawala ang mga ito.

Hangggang nakaraang linggo ay kinontak umano ng airline company ang isang kaanak ng mga senior at ipinagbigay-alam ang ginawang pag-book pabalik ng ‘Pinas ng matatanda.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy