Una sa Balita

3 nakatakas na preso sa Antipolo tinutugis

0 235

PATULOY ang ginagawang pagtugis ng Antipolo Police sa tatlong preso na pumuga habang apat na iba pang nakatakas sa kanilang selda ang naibalik na sa loob ng kulungan sa nasabing lungsod.

Ayon kay P/Col. Villaflor Bannawagan, hepe ng Antipolo City Police, patuloy ang follow up at manhunt operation laban sa tatlong preso na sina Adrian Demetrio, Angelo Roberto, na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act; at Murphy Sison may kasong robbery.

Una nang nalambat sina Benedict Belmonte at Russel Martinez na kapwa may kasong robbery sa pinagtataguang lugar sa Antipolo at Pasig habang si Dominic Gabanez, may kasong carnapping at Edward Magalo ay pawang sinuko ng kani-kanilang pamilya sa mga awtoridad.

Matatandaang agarang ni-relieve sa puwesto si Police Lt. Amador Razo, hepe ng PCP- 2 at Pat. Christian Lagac dahil sa naganap na pagtakas ng pitong preso noong Linggo, alas-3:30 nang madaling-araw.

Ayon sa report, tumakas ang mga preso nang lagariin ang rehas na bakal ng kanilang kulungan at nagkanya-kanya na silang sibat papalayo ng kulungan. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy