Una sa Balita

3 nadale sa Las Piñas fire

0 304

Sugatan ang tatlo katao nang masunog ang may 10 kabahayan dahil sa problema sa koneksiyon ng kur­yente sa Las Piñas City kahapon.

Agad nilapatan ng lunas ang mga biktima na sina Jesse Culina, 74-anyos; Hyde Zerna, 50, kapwa nagtamo ng minor burn injury sa kanilang mga paa at Jennilyn Remigio, 29, nagtamo naman ng minor burn injury sa kaliwang braso.

Dakong alas-12:05 nang tanghali nang sumiklab ang apoy sa bubungan ng bahay ng mga biktima, sa Kamias St., Brgy. Talon Uno ng naturang lungsod.

Hinala ng Las Piñas Fire Department posibleng sa kuryente ang dahilan ng sunog dahil sa nagkaroon ng problema sa koneksiyon.

Ayon kay S/Insp. Steven Rex Rosales ng Las Piñas City Fire Department, alas-2:30 nang hapon nang magdeklara na fire-out.

Bukod sa tatlong biktima, 30 pamilya umano ang nawalan ng tirahan. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy