Una sa Balita

3 motorsiklo sinuyod ng bus sa Isabela

By
0 2,005

Apat na sasakyan ang nagkarambola na ikinasawi ng dalawa at dalawa rin ang sugatan matapos mabangga ng pampasaherong bus ang tatlong motorsiklo sa national highway sa San Andres, Ilagan City, Isabela.

Ayon sa impormasyon mula sa Ilagan City Police Station, patungong hilagang direksyon ang tatlong motorsiklo at nang marating ang nasabing lugar ay binundol ng pampasaherong Dalin Bus Liner na may plakang BVU-181 ang mga ito na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang driver ng motorsiklo na sina Nerwyn Manuel, 23-an­yos, ng Fuyo, Ilagan City, at Dexter Lana, 25-anyos, ng Solana, Cagayan kung saan dalawang iba pa ang nasugatan.

Kinilala naman ang driver ng bus na si Anthony Ramos, 36-anyos, at residente ng Palattao, Naguilian, Isabela na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide, serious physical injuries and damage to property.