Una sa Balita

3 motorsiklo nagkarambola sa Capiz, 6 nadale

By
0 1,560

Anim katao ang naka-confine ngayon sa ospital matapos magkarambola ang tatlong motorsiklo sa Brgy. Lantangan, Pontevedra, Capiz kamakalawa ng gabi.

Pawang nagtamo ng mga sugat, bugbog at bale ng buto sa katawan ang mga biktimang sina Joven Buenconsejo, Joseph Jawara, Dave Bentillo, Avelino Valois, Den Paul Valois, at Jake Detanoy.

Sa imbestigasyon ng traffic section ng Pontevedra Municipal Police, bandang alas-11:15 ng gabi, nag-overtake umano sa sinusundan na sasakyan ang motorsiklo na minamaneho ni Detanoy nang mabangga nito ang kasalubong na motorsiklo na minamaneho naman ni Buenconcejo sakay sina Jawara at Bentillo.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang isang motorsiklo at natamaan ang sinasakyang motorsiklo ni Avelino sakay ang kanyang apo na si Den Paul.