Una sa Balita

3 motornapper na umiwas sa checkpoint dedbol

0 338

TATLONG motornapper ang napatay makaraang iwasan ang nakalatag na checkpoint ng Commission on Elections (Come­lec) sa magkahiwalay na lugar sa Nueva Ecija (NE).

Sa mga ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Sr. Supt. Leon Victor Rosete, acting NE Police Director, ang mga napatay ay nakilalang sina Manny Feliciano de Guzman, 38, residente ng Brgy. San Nicolas, Gapan City; Ryan Santiago del Valle, 36, residente ng Brgy. Padolina, Gene­ral Tiñio at isang ‘di pa nakikilalang bangkay na nakalagak sa Malgapo Funeral sa Brgy. Tikiw, bayan ng San Antonio.

Ayon kay P/Chief Ins­pector Jeffrey Alivia, dakong alas-4:30 nang madaling-araw nang lagpasan nina De Guzman at Del Valle ang Comelec checkpoint sa Brgy. Mallorca, San Leonardo.

Nagkaroon ng habulan at barilan. Pinaputukan si P/Sr. Inspector Williard Dulnuan na nakasuot ng bullet proof vest bago nakorner at napatay ang mga suspek sa Sitio Riles, Brgy. Mallorca.

Ayon kay P/Chief Ins­pector Arnel Aguilar ang mga motornapper ang nang-agaw sa motorsiklo nina Marivic Robles Santiago at Janneth Robles Marcos, kapwa residente ng Brgy. Niyugan, Jaen, na tinutukan sa gawing Brgy. Langla, sa bayan ng Jaen. (Jojo de Guzman)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy