Una sa Balita

3 motorcycle rider nabangga ng pick-up, patay

By
0 182

PAWANG nasawi ang tatlong construction worker na sakay ng isang motorsiklo makaraang mabundol ng isang pick-up sa Maharlika Highway, Brgy. Isabang, Tayabas City, Quezon kamakalawa nang gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Efren Alvarez na siyang nagmamaneho sa motorsiklo at ang da­lawang back rider nito na sina Richard Alvarez at Vedasko Pornasdoro.

Batay sa imbestigasyon ng Tayabas police, patawid sa highway ang motorsiklo nang masalpok ito ng Hilux na minamaneho ng engineer na si Faustino Mark Anthony dela Cruz, dakong alas-9:45 nang gabi.

Naisugod pa sa Quezon Medical Center-Lucena City at sa Lucena Uni­ted Doctors Hospital ang tatlong biktima suba­lit lahat ay idineklarang dead-on-arrival ng doktor.

Ayon sa mga imbestigador, nakainom umano ang driver ng pick-up nang mangyari ang aksidente.

Sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide ang driver.