Una sa Balita

3 miyembro ng drug group kalaboso sa La Union

0 295

NASAKOTE ang tatlong mi­yembro ng pinaghihinalaang drug syndicate group na nag-o-operate sa buong Region 1 sa San Fernando City, La Union, ayon sa Police Region Office 1 (PRO-1) kahapon.

Swak sa kulungan sina Rizza Joy Galvez, 30-anyos; Jeffrey Suyat, 37; at Jonie Caluma, 33.

Nakatanggap umano ang PRO-1 ang intelligence report na nakatakda umanong mag-deliver ng shabu ang mga suspek na tinaguriang drug syndicate sa nasabing siyudad.

Dito na sinalakay ng mga operatiba ang hideout ng mga suspek sa Barangay Parian sa nasabing siyudad.

Huli ang mga suspek habang nasa aktong idi-deliver nila ang mga shabu sa kanilang parokyano.

Nakuha sa mga suspek ang tatlong heat sealed na plastic sachet na umano’y naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.

Kasama sa mga nakuha sa mga suspek ay ang marked mo­ney na tig-P1,000 bill, drug paraphernalia at isang Toyota Innova.

Ayon sa police intelligence, ang mga suspek umano ay isa sa mga grupo na top seller ng shabu sa Region 1.

Kasong may kaugnayan sa Anti-Illegal Drug Act ang kahaharapin ng mga suspek. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy