Una sa Balita

3 miyembro ng Dawlah Islamiyah sumuko

0 234

TATLONG miyembro ng Dawlah Islamiyah (DI) ang sumuko sa tropa ng pamahalaan sa ­Lanao Del Sur, ayon sa ulat Western Mindanao Command (Westmincom).

Ayon kay Maj. Arvin Encinas, unang ­sumuko sina Metalicop ­Ambayan Bembang at Sabidra ­Sisomnong Panulong noong Pebrero 10, 2020 sa Brgy. Sandab, ­Butig, Lanao Del Sur, dala ang isang M203 grenade launcher at mga bala nito.

Kamakalawa naman nang umaga ay sumuko ang isa pa nilang kasamahan na si Mosa Amboto Olama, 33-anyos. Isinuko rin nito ang isang US M1 Garand rifle at mga bala. Kabilang umano sa mga Maute fighter na nakipag­laban sa kasagsagan ng Marawi siege at ni-recruit ni Mahadih Maute, kapatid nina Omar at ­Abdullah Maute.

“The neutralization of its key leaders during the battle of Marawi, resulted in the demobilization of the Dawlah Islamiya-Maute Group and the demoralization of its remaining members,” pahayag naman ni Lt. Gen. Cirilito Sobejana, WestMinCom ­comman­der. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More