Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 marino tumakas sa barko galing Indonesia

0 21

NAKABABA na ang tatlong crew members ng COVID-hit vessel mula Indonesia sa Butuan bago pa man nila nalaman ang resulta ng isinagawa sa kanilang pagsusuri.

Ito ang ibinunyag ni Butuan City administrator Rey Desiata.

Aniya, dumating ang barko noong Hulyo 14 kung saan bumaba ang tatlo sa crew nito na mistulang nakatakas. Bumili sila ng pagkain sa palengke bago umalis noong Hulyo 16.

Agad na silang nagsagawa ng disinfection at contact tracing.

“Nung umalis na ‘yung barko dun kami nasabihan. Right away we did our contact tracing. Investigation is ongoing and we’ll be submitting it to (Interior) Secretary Eduardo Año within the day po,” sinabi nito.

Naunang sinabi ng DOH na ang 12 sa 20 na all-Filipino crew members ay positibo sa COVID infection.

Ang tugboat ay nakadaong na ngayon sa Albay.

Isa din na crew member ang bumaba sa Cagayan de Oro City pero nahanap na at dinala sa Zamboanga province at naka-quarantine. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.